noon pa, ang kahulugan nito para sa akin at isang bagay na hindi kinakailangan ng kapalit. haller, kaya nga volunteer eh. isinasagawa ito nang bukal sa kalooban at hindi kinakailangang sabihin pa. oo, parang gawain sa bahay. nakita mong madumi ang kusina. hindi naman na kailangang isigaw pa sa iyo ni inay na linisin ang kusina. dapat, may pagsasakusa. =)
isa pa, ang volunteerism para sa kin ay isang bagay na ginagawa para sa kaunlaran ng nakararami. =) ito ang hindi makita-kita sa ating mga pilipino. either isinasangtabi natin, o kinakaligtaang gawin. nakakalungkot isipin na ganito nga ang karamihan sa ating mga pilipino. =(
buti na lamang, merong mga taong nais tumulong sa kapwa nila pilipino. laking tulong ng mga volunteer organizations sa mga nasalanta at nangangailangan. kahit walang kalamidad, handa pa rin silang tumulong at laging nakaantabay. ito ang dapat tularang ng marami sa atin. wag tayong manood lang. kumilos tayo. tumulong tayo. para ito sa ika-uunlad nating mga pilipino.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment