Saturday, August 11, 2007

on personal growth and social interactions

nung grade school ako, sanay akong laging nasa top ten (pahumble effect lang toh, first honor kasi talaga lagi ako. :D). lagi kasing may suhol si mama. pag nakaperfect ako sa lahat ng exam, may bagong barbie ako. pag nakasagot ako sa recitation, pupunta kaming sm. namulat ako sa ganito. so nung bata ako, kailangan lahat ng gawin kong maganda, may magandang kapalit din. kaya ayun, nag valedictorian ako nung elementary. :D
pressure. yan ang naramdaman ko nung naghighschool ako. naiba ang lahat nang tumuntong ako sa highschool. bagong environment, kasi nasa magandang (at napakaaaa mahal :/) exclusive school ako. naramdaman kong mahirap sa highschool. mas madaming ginagawa. mas mahirap. ewan ko kung nag-aadjust lang ako pero yun ang sinabi kong dahilan sa nanay ko. hanggang sa nag fourth year ako, lagi kong sinasabi, "nag-aadjust pa ko eh.". hahaha.. nakakatawa pero ganun talaga. hindi ko alam nangyari sa kin nung highschool. nabawasan pagka-active ko sa school, tipong napagod ako. ang croongy ng reason ko pero, duh, napagod? naapektuhan lang ako ng barkada. lahat sa barkada ko nun, average persons. masaya na pag nakapasa. masaya na kapag walang line of 7 sa card. mas masaya pag may line of 9.
sa highschool ko natutunan lahat. na hindi lahat ng gawin kong maganda, may maganda ring kapalit. totoo ngang nakakaapekto ang kapaligiran sa tao habang tinahak nito ang daan tungo sa pansariling pag-unlad. naaapektuhan ng bawat taong makasalamuha mo ang panlasa mo sa iba't ibang aspeto't bagay. nag-iiba ang mga tugtog na gusto mong pakinggan, ang sense of style mo sa pananamit, pananalita atbp. ultimo pangarap mo (minsan lang naman), nababago dahil sa naiimpluwensyahan ka ng mga kasama mo.
tulad ng marami, gusto kong yumaman. hahaha. tipong nakita ko yung PSP ng kasama ko at nainggit ako, makakabili ako after 10 minutes. eh sa lagay ko, 10 years pa bago ako makabili ng ganun. :P haha. ayun, gusto ko lang makagraduate at magkaroon ng stable na trabaho. dahil nga sa nakakaapekto ang kapaligiran ko sa akin, gusto ko na sa habang umuunlad ako, umuunlad din ang katabi ko. kailangan may natutulungan ako habang natutulungan ko ang sarili ko. tipong pag umunlad ako, buong bansa uunlad din. sa palagay ko, sa cwts mag-uumpisa ang pagtupad ng pangarap na ito. ;D

No comments: