madami nang pilosopo sa panahon ngayon. masabihan ka lang ng "ano ka ba?", sasagutin naman natin ng "tao!", duh. oo nga naman. pero ano nga ba talaga tayo? hindi ba't pilipino tayo? hindi natin masagot nang diretso ang mga ganitong klase ng tanong dahil.... teka.. bakit nga ba? ako, bakit hindi ko masagot na pilipino ako pag tinatanong ako kung ano ako? nakakahiya ba? baka.. hindi ko maamin sa sarili ko na nahihiya ako.
ang nasyonalismo ay nasa puso ng bawat pilipino. hindi nakikita, ngunit nararamdaman (uyy.. parang love?).. marami nang pinagdaanan ang ating bansa, nasakop na tayo ng iba't ibang dayuhan. naapektuhan ang ating kultura, mula sa kagawian, pamahiin, ritwal hanggang sa ating pananamit at pananalita. pero ano lang ang hindi nila naialis sa atin? ang ating pagka-pilipino, hindi ba?
sa panahon ngayon, marami nang nagmamaliit sa ating mga pilipino. bakit pa natin dadagdagan sa pagpapakita na nahihiya tayo? sa halip, dapat natingn ipagmalaki ang ating pagkapilipino. nasa puso lamang natin ito, bakit hindi natin isabuhay? tayo ang may diperensya kung bakit ganito ang tingin sa ating mga pilipino. pakita nating angat tayo sa iba. pakita nating ipinagmamalaki natin kung sino at ano tayo. isabuhay natin ang ating pagkapilipino. pag patuloy nating ginawa ito, makikita natin, aangat tayo sa buong mundo. =)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment